Baguio City-Mankayan, Benguet – Ito ay kasunod ng papel ng pagpapalitan sa ilalim ng Section 44 ngΒ Local Government Code of the Philippines (R.A. 7160). Ang unang puwesto o ranggong kasapi ng Sangguniang Bayan ang kukuha ng posisyon ng Bise AlkaldeΒ sa kaso ng permanenteng bakante. Sa hindi inaasahang paglisan ng yumaong Bise Alkalde na siΒ Julio Joey C. Culliao, Si KonsehalΒ Aldrin S. Camiling ang opisyal na nanumpa ng kanyang opisina noon nakaraang araw lamang.Β
Ang panunumpa ay isinagawa ni Mankayan Municipal Mayor Dario S. Banario at sinaksihan ni DILG Municipal Local Government Operations Officer na si ginoongΒ Randy T. Luma-ang, ang ABC President na si ginoong Mateo B. Batane, SKF President Arnel C. Labisa, IPMR representative Toriano C. Organo, at mga pinuno ng ibaβt biang department ng munisipyo at maging ng empleado ng munisipyo ng Mankayan ay naroon din upang saksihan ang naturang okasyon.
Bilang bise alkalde ng Mankayan, si Camiling nananatiling nakatuon sa pagsisilbi sa mga taga Mankayan na may kasamang dedikasyon at integridad.Β (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO-MANKAYAN)
