Baguio: Pagkalugi ng isang transport na cooperatiba pinangangabahan ng mga miyembro

0
2

(Baguio City) Sumangguni sa Sangguniang Panlungsod ng lungsod ng Baguio ang mga miyembro ng Cordillera Basic Sectors Transport Cooperative (CBSTC) para sa paglutas ng problema na kinakaharap ng nasabing kooperatiba. Kanilang inisa isa ang mga problema bilang  tyrannical a unilateral ang pamamahala, ang kakulangan ng transparency, ang ilegal na pagkolekta ng bayad mula mga miyembro nito, mga patung-patong na financial obligations, ang mga hinihinalang nawawalang pera ng kooperatiba, hindi maabot na cashflow record at ang mahinang pag aalaga ng mga jeepney units.

Ang lahat ng mga ito ay indikasyon ng problema na kilala ng mga miyembro ng Cordillera Basic Sectors Transporta Cooperative. Sa sulat nito sa City Counci, inakusahan nila si Ginoong Jude Wal ang kasalukuyang CBSTC chairperson, ng “illegal management.”

Napag alaman na imbitahan ng konseho ang magkabilang panig sa regular na sesyon nila noong Lunes, Pebrero a 27. Magkaganon man, hindi dumalo si Ginoong Wal dahil sa una ng pareho ng importante gawain na dinaluhan niya.

Sa sulat na ipinadala niya sa Konseho, hiniling ni Ginoong Wal ang pagpapawalang bisa o pag dismiss ng reklamo laban sa kanya at dapat na idulog na lamang ito sa Cooperative Development Authority ang ahensiya ng gobierno na dapat lumutas ng problema. Sa nasabing pagtitipon, sinabi ni CBSTC member Rolando Yambot na kung hindi agad malulutas ang problema ng kooperatiba ay maari itong magresulta ng pagkalugi ng naturang kooperatiba. Ganon din na maraming mga tao ang maapektuhan kabilang ang mga tao na sumapi sa kanila mula pa noong 2018.

Sa ibang banda, nabahala ang miyembro ng Konseho na patuloy ang hindi paglutas ng problema ng kooperatiba ay maaring makaapekto ito sa rota na serserbiyan ng nasabing kooperatiba.

Ang CBSTC ay nagsisilbing sa mga rota ng Aurora Hill, Trancoville, at Dominican Hill. Ngunit sa sulat  ni CDA-CAR Regional Director Marieta Hwang noong Pebrero a 20, 2023 sa City Council, May technical working group ang binuo upang tumulong sa paglutas ng problema sa pamamahala sa pagitan nila Ginoong Wal at nila Yambot.

(RPN-Baguio/Joel Cervantes)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here