Baguio: Pagkakaisa sa West Philippines Sea isinagawa sa pamamagitan ng solidarity walk o lakad sa pagkakaisa

0
17
(Credi to PIO Baguio)

Baguio City – Pinangunahan ng pinuno ng mga kabataan sa Cordillera ang isang aerobics activity upang palakasin ang suporta para sa West Philippine Sea (WPS).

Bilang bahagi ng isinagawagan adbokasiya para sa Philippines’ territorial integrity at sovereign rights, daan daan ang sumali sa tinatawag na Unity Stride 2024, isang lakad sa pagkakaisa na ginanap dito sa lungsod ng Baguio. Ito ay may temang “One Nation, One Sea: tumatayong nakikiisa para sa West Philippine Sea”.

Ang naturang kaganapan ay naglalayong magtaas ng kamalayan, layong payamanin ang pagkakaisa sa mga komunidad, at mapalakas ang suporta ng publiko para mapangalagaan ang territoryong pandagat ng bansa.

Dumalo ang mga kabataang organisasyon, miyembro ng Sangguniang Kabataan, lokal na mag opisyal, ang mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Philippine Army, Philippine Military Academy, at ROTC units.

Mga pribadong tao ay dumalo rin para sa naturang pagtitipon. Binigyang diin ni Mayor Benjamin Magalong ang pangako ng rehion sa WPS sa pamamagitan ng bansag o slogan, na “Kami sa kabundukan, may pakialam sa karagatan.”

Pinuri ni Magalong ang mga lider ng kabataan para sa kanilang pagkukusa sa pag aayos ng naturang kaganapan. Ang kaganapan ay binuo ng mga kabataan para sa kapayapaan – Baguio Chapter at Kabataan Kontra Droga at Terorismo, sumasalamin sa kolektibong paninindigan ng rehion Cordillera sa pagtatanggol ng pambansang soberanya. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply