31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Baguio: Pagbubukas ng kahaliling ruta sa La Trinidad pinag-aaralan

- Advertisement -

Hangad ng Munisipyo ng La Trinidad, Benguet na magbukas ng karagdagang kahaliling ruta upang maibsan ang trapiko mula kilometer 6 hangang kilometer 4. Ito ang ipinahayag ni La Trinidad Mayor Romeo Salda, nais nilang buksan ang daang Pico-Pinget-Dreamland upang maging kahaliling ruta na pagdadaanan ng mga motorista na magpupunta ng lungsod ng Baguio at pabalik ng La Trinidad.

Ayon kay Salda, may panukalang plano silang dinala sa Municipal Planning and Development Office upang sang-ayunan ang naturang plano. Magkaganon, anya kinakailangan pang magsagawa ang munisipyo ng isang pagsangguning pampubliko upang malaman kung may tatamaan na mga lote ng pribadong mamamayan sa sandaling maaprubahan at isagawa ang naturang plano.

Sa kasalukuyan, ang tanging bukas na kahaliling ruta ay ang La Trinidad at Tawang-Ambiong Road, Shilan-Lamut, Beckel Road, Puguis, Longlong Road at ang Puguis-Wangal Road. Ganon pa man, patuloy pa rin ang nararanasang mabigat na lagay ng trapiko sa pinaka highway na sakop ng La Trinidad dahil sa dami ng mga sasakyan na dumaraan doon.

(Joel Cervantes, photo courtesy of LGU La Trinidad)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -