Baguio: Operasyon kontra druga ng 𝗣π—₯𝗒 𝗖𝗔π—₯ nagpalitaw ng π—£πŸ―.πŸ±π—  halaga ng illegal na druga at dalawang katao ang nahuli pa

0
15
photo courtesy of PRO-CAR

Baguio City-Camp Bado, Dangwa, La Trinidad, BenguetΒ Ang mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO CAR), ay nagsagawa ng operasyon kontra druga sa mga taniman ng Marijuana sa probinsiya ng Benguet at Mountain ProvinceΒ  at ang pagkaaresto ng dalawang katao sa lungsod ng Baguio noong Araw ng Sabado.

 

SaΒ  Benguet, Ang operatiba ng Benguet Police Provincial Office at ng iba pang units nito ang nakadiskubre ngΒ  12,000 fully grown marijuana plants o ang ganap laking tanim na Marijuana na na nagkakahalaga ngΒ  PhP2,400,000.00 sa munisipyo ngΒ  Bakun atΒ  Kibungan. Samantala sa probinsiya ngΒ  Mountain Province, ang magkasanib na operatiba mula saΒ  Mountain Province at ngΒ  PDEA-Mountain Province ang nakadiskubre ngΒ  5,000 ng ganap laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ngΒ  PhP1,000,000.00 sa Mount Balitok, Brgy. Saclit, Sadanga. Ang lahat ngΒ  tanim naΒ Β  marijuana ay binunot at sinunog mismo sa naturang lugar habang ang iba ay dinala Regional Forensic Unit CAR para masuri.

 

Sa ibang dako naman , isinilbi ang search warrant ng magsanib na operatiba ngΒ  Baguio City Police Office at PDEA-CAR, naging sanhi ng pagkakaaresto ngΒ  39 taong gulang na lalaki nakatala bilang High Value Individual, at ang isangΒ  32 taong gulang na babae nakalista bilang isangΒ  Street Level Individual. Β Nasamsam ng mga operataiba ang tatlongΒ  sachets ng hinihinalangΒ  shabu na may bigatΒ  15 na gramo at nagkakahalaga ngΒ  PhP102,000.00, isang walang marking .38 caliber revolver, isang pakete ng iba’t ibang bala ,at ibang drug paraphernalia ang nakuha sa tirahan ng mgaΒ  suspectΒ  sa Brgy. Bakakeng Central, Baguio City.

 

Ang mga nahuli at ebidensiya ay dinala na sa pangangalaga ng City Drug Enforcement Unit. Sinampahan ng kaso sa paglabag ngΒ  Republic Act No. 9165, na mas kilala saΒ  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PRO-CAR)

 

Leave a Reply