Baguio: Nakadiskubre ng marijuana plantation sa Bakun at Kibungan, Benguet sa magkahiwalay na operasyon ng PRO-COR

0
13
photo courtesy of PRO-COR

Bakun, Benguet – Ang pulis ng Benguet ay nakadiskubre at nanira ng P1,590,000.00 halaga ng tanim na marijuana sa munisipyo ng Kibungan at Bakun, Benguet.

Ang pagkadiskubre sa marijuana ay isinagawa ng magkasanib na anti-illegal drugs operatives ng Kibungan Municipal Police Station, ng ibang yunits ng maykapangyarihan at ng PDEA-CAR na humantong sa pagkakadiskubre at pagkasira ng tinatayang 12,000 gramo ng pinatuyong tangkay ng marijuana na nagkakahalaga ng 1,440,000.00 sa Brgy. Tacadang, Kibungan.

Bilang karagdagan, ang magkasanib pangkat mula sa Bakun Municipal Police Station (MPS), Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit (PIU/PDEU), Regional Intelligence Division (RID), Regional Intelligence Unit 14, and PDEA-CAR ay nakalipul ng 750 na ganap na mga laking tanim na marijuana nagkakahalaga ng Php 150,000.00 sa Brgy. Kayapa, Bakun.

Ang lahat ng mga tanim na marijuana ay sinunog matapos maitala ang mga ito at ang ilan dito ay dinala sa Regional Forensic Unit para sumailalim sa pagsusuri. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply