Baguio: Nag-aalok ng masahe sa Burnham Park, pinagbabawal

0
11

Baguio City – Binalaan ni Public Order and Safety Division (POSD) Chief Daryll Kim Longid ang mga nagmamasahe sa Burnham Park, Baguio City na huwag na mag alok ng serbisyo nito dahil sa ito ay isang paglabag sa ilalim ng environmental and sanitation codes ng lungsod ng Baguio.

Hinarap ni ginoong Longid ang naturang grupo matapos na may matanggap silang reklamo mula sa mga turista at mga namamasyal lalo na sa kanilang mapaglinlang na pamamaraan upang isagawa ito tulad ng pagbibigay ng libreng pagmamasahe.  Ngunit yon pala ay full message service na pala at bukod sa walang pahintulot ng kanilang customers, mahal pang maningil ang mga ito at may kasama pang pananakot.

Hinikayat niya ang mga naging biktima na ireport ang mga ganitong gawain at ang pagnanakaw sa mga pag aari ng kanilang parokyano at maging ang hindi nila pagbabalik ng sukli ng mga pera nito.

Sinabi ng grupo ito na dinaunamano ay kagagawan ng dayo o mga hindi taga Baguio na nagpupunta pa dito upang mag alok ng pagmamasahe sa mga pasyalan. 

Nagpaalaala ang hepe ng Public Order and Safety Division (POSD) na si Daryll Kim Longid na pareho pa ring reklamo ang kanilang natatanggap laban sa nasabing grupo kahit na ang mga dayo ay nagsimulang lumabas sa Burnham Park. 

Kanya ring binalaan ang grupo na anumang panukalang gawin lehitimo ang patuloy na pagbibigay nila ng serbisyo sa madla lalo na may kasamang panloloko ay hindi dapat. 

Samantala, nangako ang naturang grupo na susunod sa mga panuntunan at kanila ring ilalakad ang kanilang panukala sa pinuno ng POSD at ipapaliwanag sa kay Mayor Benjamin Magalong at maging sa pinuno ng CEPMO na walang iba kundi si Atty. Rhenan Diwas. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of POSD)

 

Leave a Reply