Baguio: Municipality of Kabayan, Benguet naparangalan bilang isa sa mga pinkamatahimik na munisipio sa Cordillera

0
1

Kabayan, Benguet – Naparangalan ang Kabayan, Benguet bilang sa isa sa mga pinakamatahimik na munisipio sa Cordillera sa taong 2022.

Naigawad ang Certificate of Recognition sa Kabayan Municipal Police Station dahil sa nakapagtala sila ng zero focus crime incident na may 16,904 nananinirahan sa naturang munisipio.

Ang parangal ay iginawad ni Police Brig.  General Mafelino Bazar, ang PRO-COR Regional Director sa ginanap na Command Conference sa Cabin, Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet kahapon Enero 18, 2023.

Una rito, sinabi ni Police Captain Peter Basilio, ang Deputy Chief of Police ng Kabayan Municipal Police Station, na wala silang naitala na crime incidents sa nasabing bayan. Sinabi niya na pangkahalatang tahimik ang kanyang nasasakupan na lugar at tiniyak niya na patuloy ang pagbibigay nila ng serbisyo para sa katiwasayan ng mga mamamayan doon.

Kanyang idinagdag, pinuri at hiniling ang patuloy na pakikipagtulungan ng mga mamamayan para sa pananatili ng katiwasayan at kapayapaan sa kanyang nasasakupan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Kabayan MPS)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here