Baguio: Mga lokal na magsasaka namahagi ng donasyon na repolyo sa mga kapulisan ng PRO Cordillera

0
7
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Dahil sa napakaraming naaning repolyo sa mga pamihilan. Ang mga magsasaka ay kanilang napag-isipan na ibigay na lamang ang kanilang ani upang makinabang ang tauhan ng PRO Cordillera at ang mga kalapit na komunidad lalong lalo na ang mga nangangailangan.

Ang pagkukusa ay naayon sa programa ng Police Regional Office Cordillera na may pamagat na “Panag-aywan iti Kailyan” ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen David K. Peredo Jr., na naglalayon na mapalakas ang ugnayan sa pagitan ng PNP at ng kommunidad, tulungan ang mga magsasaka at tiyakin ang mga gulay ay makakarating sa mga nangangailan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe)

(Source: PRO-COR)

Leave a Reply