Saturday, May 4, 2024

Baguio: Mga bagong pagtalaga ng mga tauhan ng HPG-CAR laking tulong sa pagpatupad ng batas trapiko

- Advertisement -

Baguio City – Inamin ni Department of Transportation-Cordillera (DOTr-CAR) Regional Director Francis Almora na malaking tulong sa kanila ang pagtatalaga ng mga tauhan ng Highway Patrol Group-Cordillera o ang HPG-CAR sa pagpapatupad ng mga batas pang”Land Transportation.

Ayon kay Director Almora, malaking tulong ang mga ito dahil sa kakulangan ng mga tao sa pagpapatupad sa mga batas pang land transportasyon sa buong Rehion Cordillera.

Sa dumadaming bilang ng mga itinalagang tauhan ng HPG-CAR na magpapatupad ng batas trapiko. Tiniyak ng naturang opisyal na ang pangunahing pagtatalaga ay para na rin sa kaligtasan ng mga motorista.

Kanyang ipinaliwanag na isa sa mga dapat gawin ng isang itinalagang tauhan ng HPG-CAR ay paalalahanan ang mga motorista kaugnay sa “road safety tips” upang sila ay maiiwas sa aksidente o disgrasya habang ang mga ito ay nagmamaneho.

Magkaganon man, hindi, anya maiiwasan ang pagkahuli ng mga lumalabag na mga motorista upang maturuan sila na sumunod sa batas pang Land Transportasyon. Kamakailan lamang, uumaabot sa 16 na tauhan ng HPG-CAR ang mga bagong katatalaga lamang.

Dahil dito, sinabi ni Acting Chief ng HPG-CAR Police Lieutenant Colonel Joel Jucutan, umaabot na mahigit 40 na tauhan ng HPG ang itinalaga sa DOTr-LTO. (Joel Cervantes, photo courtesy of PRO-Cor file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img