28.9 C
Manila
Friday, April 19, 2024

Baguio: Mayor Benjamin Magalong pina-alala sa mga barangay opisyal ang kanilang obligasyon patungkol sa kalinisan at kaayusan sa kani-kanilang hurisdiksyon

- Advertisement -

Baguio City – Nagpa-ala ala si Mayor Benjamin Magalong sa mga barangay opisyal ng lungsod ng Baguio sa kanilang obligasyon na panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa kani kanilang hurisdiksyon. 

Kanyang ginawa ang nasabing paala ala matapos makatanggap siya ng reklamo sa mga mamamayan sa kinatawan ng mga barangay na di umano ginagawan ng aksyon ang mga ilan sa mga indibidual na lumalabag sa city Environmental Code.

Kamakailan lamang, napinsin ni Mayor Magalong ang basura na nagmumula sa isang construction site sa kahabaan ng Loakan Airport access road at kanyang tinawagan ng pansin ang mga tauhan ng Baguio City Police Office – Loakan Police Station linisin ang naturang lugar dahil hindi ito ligtas sa mga dumadaan doon.

Samantala, nakipag ugnayan ang BCPO Loakan sa mga barangay opisyal ng Loakan Proper at sa General Services Office upang kolektahin ang mga construction debris.

Mga naninirahan sa mga barangay sa lungsod ng Baguio hiniling na gumawa ng compost pits para sa kanilang biodegradable waste.

Hiniling ng opisyal ng lungsod ng Baguio sa naninirahan sa 128 barangays na gumawa ng compost pits o bins na kung saan ang kanilang biodegradable waste ay maitapon doon at upang mabawasan basura sa lungsod. 

Kanilang ipinahatid ang kanilang kahilingan sa pamamagitan ng City Resolution No. 688, series of 2023. Ayon sa mga lokal na mambabatas, malaking bagay kung ang mga residente ng lungsod ng Baguio ay magsasagawa ng kanilang backyard composting methods upang mabawasan ang biodegradable waste production at ngayon ang tamang panahon upang gumamit ng composting para sa biodegradable waste.

Kasabay nito, hinikayat din ng mga lokal na mambabatas na ang mga residente ng lungsod ng Baguio ay maaring mag urban gardening sa kanilang mga bakuran gamit ang compost soil upang makatulong pagpaparami ng gulay na maaring kainin sa hapag kainan. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

 

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -