Sunday, May 5, 2024

Baguio: Marijuana eradication operation sa Cordillera mula Decembre 11-17, 2022 umabot na 10.5 M ang halaga

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Mahigit sa P10,533,000 Milyong piso halaga ng tanim na Marijuana, binunot sa Mt. Province at Benguet province. Binunot ng mga maykapangyarihan ang mga tanim na Marijuana na ito ay resulta ng pagsasagawa ng marijuana eradication operations noong Decembre 11-17 ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Police Regional Office Cordillera PIO officer Police Captain Marnie Abellanida, natuklasan ang mga tanim na Marijuana sa siyam na plantasyon sa Mt. Province at Benguet. Sinabi niya na may kabuuan 52,665 na pidaso ang tanim na marijuana na binunot ng pinagsamang operatiba ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Agad namang sinunog ito ng maykapangyarihan sa mismong Marijuana eradication sites. Walang nahuling cultivator naabutan ang mga operatiba. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO-PRO-COR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img