Baguio: Mapayapa ang Eleksyon 2023 sa buong sa rehiyon Cordillera

0
7

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Ipinahayag ni Police Regional Office Cordillera Regional Director Police General David Peredo naging mapayapa ang kabuuan ng halalan sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa rehion Cordillera. 

Ito ang kanyang sinabi sa isang panayam sa Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet kahapon matapos ang halalan ng bandang alas tres ng hapon (October 30).

Sinabi ni Peredo na may walong insidente ang nasubaybayan sa rehion.   Ang lima dito ay kaugnayan sa halalan, ang isa ay hindi kaugnay sa eleksyon habang ang dalawa kinukumpirma pa lamang.  Anya, karamihan sa mga ito ay nangyari sa probinsiya ng Abra. 

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Police Brig. General Peredo sa mga mamamayan ng Cordillera sa kanilang kooperasyon para sa mapayapa,kapanipaniwala at maayos na eleksyon sa Cordillera region.

Nagpasalamat din siya sa COMELEC, DepEd, AFP, sa mga kasapi ng media at ng iba pang katuwang na ahensiya para sa matagumpay na pagdaraos ng halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataang. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PRO-COR)

Leave a Reply