Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Nagbunga ang pagsisikap ng Police Regional Office Cordillera’sa kanilang pina-igting na hakbang sa anti-illegal drugs kasunod ng pagkakasamsam ng may kabuang halaga ng Php13,716,728.00 ng illegal na druga at ang pagkakaaresto ng tatlong personalidad sa druga sa magkahiwalay na operasyon na isinagawa sa probinsiya ng Kalinga at sa lungsod ng Baguio itong mga nakaraang araw lamang.
Ayon sa natanggap na ulat ni PRO Cordillera Regional Director, PBGen. David K. Peredo, Jr, Ang mga nahuling suspeks ay kinilala bilang isang 34 taong gulang na lalaki, nakatira sa Rosario, La Union; at ang ikalawa ay isang trenta anos na babae at ang ikatlo ay isang 40 anos na lalaki, na parehong residente ng Magsaysay, probinsiya ng Kalinga.
Sa lungsod ng Baguio, isang 34 anos na lalaking suspek ang nahuli ng pinagsamang operatiba ng Baguio City Police Office Substation 7 ng Abanao, Baguio City Police Office substation 2 at ng Baguio City Police Office City Drug Enforcement Unit (DEU) sa Claridad Road, Brgy. Lower Magsaysay matapos na magbenta ito ng isang sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 1.26 na gramo na nagkakahalaga ng Php8,568.00 sa isang pulis na gumanap bilang poseur buyer.
Samantala, sa probinisya ng Kalinga, ang magkasanig na puersa ng Tabuk City Police Station, 1st Provincial Mobile Force Company, Kalinga Provincial DEU ang nakahuli ng dalawang suspek Ubbog, Brgy. Magsaysay matapos ang mga suspek ay nagbenta ng isang plastic sachet ng hinihinalang Shabu na may bigat na mahigit kumulang sa 1.2 na gramo na nagkakahalaga ng PhP8,160.00 sa isang pulis na nagpanggap na bumibili.
Ang mga nasamsam na piraso ng mga ebedensiya at dinala sa custodiya ng mga naturang nanghuling yunits para sa karampatang dokyumentasyon at disposisyon habang ang mga suspeks ay haharap sa paglabag ng Republic Act 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, sa magkahiwalay na operasyon ng marijuana eradication, may kabuang 68,500 pcs ng ganap na laking tanim na Marijuana na nagkakahalaga ng Php13,700,000.00 ang nadiskubre sa dalawang Marijuana plantation site sa Brgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga.
Matapos ang dokumentasyon, ang mga operatiba ng anti-illegal drug ng Kalinga Police Provincial Office ang nagbunot at sinunog ang lahat ng nadiskubreng tanim na Marijuana sa naturang lugar habang patuloy ang imbestigasyon upang makilala ang manananim ng Marijuana sa lugar na yon. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PRO-COR file)