Baguio: Lungsod ng Baguio nakapagtala ng pitong patay dahil sa Dengue

0
24

(Baguio City) Ang lungsod ng Baguio City ay nakapagtala ng may kabuang 7 patay dahil sa dengue fever mula sa buwan ng Pebrero hangang Hulyo ng taong ito na ang bilang ng kaso ay tumaas sa 3,011 simula noong  Augusto a  1, ngayong taon. Ayon sa tala ng City Health Services Office (CHSO) nagpapakita ng unang namatay ay nangyari noon Pebrero habang ang iba ay nangyari lamang noong nakaraang Hulyo noong nagsimula itong tumaas at noong nakaraang buwan nagsimula itong tumaas. Apat sa mga namatay ang mga bata. Isang anim na taong gulang na babae mula sa from Asin Road, isang 9 na taong gulang na lalaki mula Irisan, Isang taong gulang na lalaki mula Country Club ang tinanggap noon Hunyo June 28 at  isang apat na taong gulang na babae mula sa  Nueva Vizcaya ang tinanggap noon Hulyo a  8. Ang iba ay isang  63-taong gulang na lalaki mula  Loakan Proper na tinanggap noong Pebrero a  28 namatay dahil sa dengue, isang 59-taong gulang na lalaki mula sa  Cabinet Hill-Teachers’ Camp ang tinanggap noon Hunyo a 18 at isang  38-taong gulang na babae mula  Dominican-Mirador Hill ang tinanggap noong  Hulyo a  12, 2024. Ayon sa  City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) ng  City Health Services Office, may kabuaang  3,011 na kaso ang napa ulat sa lungsod mula Enero a primero hangang Augusto a 2 ng taong ito na may pagtaas na  462 porsiento mula sa nakaraang bilang noong nakaraang taon. Karamihan na naapektuhang barangay ay ang  Irisan, Bakakeng Central, Asin Road, Sto. Tomas Proper, Camp 7, Gibraltar, Pinget, Loakan Proper, Pacdal, Middle Quirino Hill at Bakakeng Norte.Noong Abril, si Mayor Benjamin Magalong ay nanawagan na magsagawa ng hakbang laban sa Dengue upang hadlangan ang pagtaas ng kaso nito na nangyayari mula Hunyo hangang Oktubre. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)

 

Leave a Reply