Baguio: La Trinidad tumanggap ng Plaque ng Pagkilala mula sa Philippine National Red Cross

0
10
photo courtesy of PIO La Trinidad, Benguet

La Trinidad, Benguet – Pinangunahan ng opisina ni Mayor Romeo Salda ang seremonya sa pagtataas ng Bandila sa La Trinidad Municipal Gymnasium.

Sa nasabing kaganapan, ibinigay ng Philippine Red Cross Benguet Chapter ang isang Testimonial Plaque at Plaque ng Pagkilala kay Mayor Romeo K. Salda at sa munisipyo ng La Trinidad sa pagtamo ng pinakamataas na bilang ng nagbigay ng dugo na may kabuang 1,477 units (Top 1) bilang pagsuporta sa National Voluntary Blood Services Program.

Bilang karagdagan, ang La Trinidad Disaster Risk Reduction and Management Office ay nagbigay din ng Plaque ng pagkilala sa Barangay Ambiong na kumatawan sa munisipyo sa Emergency Responders DRRM Skill Challenge, na kung saan nagtamo sila ng ikatlong puwesto. (Joel Cervantes & Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply