Baguio: Kabataang Ibaloy hinikayat ni City Mayor Benjamin Magalong maging responsableng at produktibong mamamayan

0
5

Baguio City – Hinikayat ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga kabataang Ibaloy sa pamamagitan ng hindi mabilang na pagkakataon upang ihanda sila sa kanilang pagkatanda at maging responsabli at mga produktibong mamamayan.

Ito ang binigyang diin ni Magalong sa pagbubukas ng programa ng Ibaloy Festival 2023 na ginanap sa Ibaloy Heritage Park. Ito ay kaugnay sa pagdiririwang ng Indigenous Peoples Month na isinaayos ng Onjon ni Ivadoy Association, Inc.

Isa si ginoong Maximo Edwin Jr., sa mga opisyal ng Onjon ni Ivadoy at maging ng Board of Trustees na naroroon sa pagbubukas ng Ibaloy Festival 2023.

Ang Ibaloy Festival 2023 ay isang gawain ng mga kabataang Ibaloy na tinuturing na isang mahalaga at makatutuhanan pagmahal sa sariling kultura. (Joel Cervantes | Jim Bernabe, photo courtesy of Baguio City Information Office)

Leave a Reply