Baguio: Isang hinihinalang tulak ng druga nahulog sa kamay ng batas sa lungsod ng Baguio

0
11
photo courtesy of PRO-CAR

Baguio City – Isang hinihinalang tulak ng druga ang nalambat ng Baguio City Police Office sa kasagsagan ng buy-bust operation na isinagawa sa Barangay Leonila Hil noong kamakalawang araw lamang. 

Ayon sa ulat, ang suspek ay isang manggagawa na may edad na  27 ay nahuli matapos na magbenta ng isang sachet ng hinihinalang Shabu na may bigat na tinatayang  5.00 na gramo at nagkakahalaga ng  PhP34,000.00 sa isang miyembro ng operatiba na nagkunwang poseur buyer.

Ang suspek ay humaharap ngayon ng paglabag sa R.A. 9165, o mas kilala bilang  the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.   (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO-CAR)

Leave a Reply