28.7 C
Manila
Monday, April 22, 2024

Baguio: Isang 21-taong gulang na lalaki, namatay matapos malunod sa Towing Falls sa Sablan, Benguet

- Advertisement -

Sablan, Benguet – Patay ang isang 21-taong gulang na lalaki matapos na malunod sa To’wing Falls sa Lower Poblacion, Sablan, Benguet alas dose singko kahapon ng tanghali, Enero 2, 2023.

Ang biktima ay kinilala bilang isang minero at naninirahan sa Sitio Naiba, Tuding, Itogon, Benguet.

Batay sa imbestigasyon ng Sablan Municipal Police Station, nagtungo ang biktima kasama ang dalawa niyang kaibigang sa Talon upang lumangoy. Magkaganon man, hindi ipinaalam ng biktima sa kanyang mga kasama na hindi siya marunong lumangoy. Habang kasama ang dalawa niyang kasama, tumalon ang biktima ngunit makaraan ang ilang sandal hindi na ito nakita.

Dahil dito, humingi ng tulong ang mga kaibigan nito upang sagipin ang biktima. Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang mga civilian volunteers hangang sa mahanapan ito.

Nagsagawa din ang mga rescuers ng CPR hangang sa dumating ang mga tauhan ng Sablan Municipal Police Station at ng Bureau of Fire Protection Sablan. Dinala ang biktima sa pinamalapit na ospital ngunit namatay din ito. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Sablan MPS)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -