Baguio: Isa sa Farm to Market road doon sa Itogon, Benguet gagawin at pagagandahin ng gobierno

0
2

Itogon, Benguet – Mahigit sa 200 na mamamayan sa Barangay Tinongdan, Itogon, Benguet ang inaasahan na makikinabang sa pagpapaganda at pagtatayo Tinongdan-Cayoco-Cawayan Farm-To-Market Road.

Ito ay kasunod ng nabuksan na daan at nakatakdang makonkreto ito kabilang dito ang retaining wall at slope protection.

Ayon kay Barangay Kapitan Edwin Atumpag, Inaasahan nila ang magiging maganda ang kalalabasan ng nasabing daan dahil sa ito ay napondohan ng isang daang milyong piso. Sinabi niya na ang pondo ay nagmula sa Department of Public Works and Highways national.

Sinabi niya na ang pangunahing tanim ng mga mamamayan doon ay palay at ng iba’t ibang gulay.

Kanyang idinagdag na maaring matapos ang pagkakakonkreto ng Tinongdan-Cayoco-Cawayan Farm-To-Market Road ngayong taon. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Brgy. Tinongdan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here