Baguio City – Isang 78-taong gulang na lolo ang namatay sa sunog na tumupok ng lugar panglibangan sa kahabaan ng Legarda Road noong lunes. Nakiramay si Mayor Benjamin Magalong sa naulila ng pamilya ng namatayan habang hinihikayat niya ang mga taga Baguio na itaas pa nila ang kanilang kasanayan sa kaligtasan sa sunog sa kanilang tahanan at negosyo.
Samantala, ang Baguio City Fire Station ay nakapagtala ng may kabuang 7 insidente ng sunog simula noong Pebrero a 5, ng taong ito, apat ang nangyari sa buwan ng Enero at tatlo ngayong buwan na ito. Ayon sa Baguio City Fire Station public information officer na si SFO 1 Lloyd Ashely Furigay, ang lahat ng insidente ng sunog ay likas na struktura.
Ayon kay City Social Welfare and Development Officer Liza Bulayungan ang sunog sa Legarda Road ay nakaapekto ng pamilya na may pitong miyembro at tatlong kabahagi ng bahay. Ang maybahay ng pumanaw na matanda ay tinanggap ng Ospital dahil sa hindi makahinga o sa English -suffocation. Sinabi ni Bulayungan na ang pamahalaang lungsod ay nagbigay ng tulong pinansial sa mga biktima na angkakahalaga ng P55,000, hygiene at family kits at ng food packs at psychological first aid. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-Baguio)
