Baguio: Bases Conversion and Development Authority nakakita ng pagkakaunawaan sa mga umuupa sa Camp John Hay Development Corporation sa pamamagitan ng panibagong pag upa

    0
    20
    photo courtesy of PRO-CAR

    Baguio City –  Nagsimula na ang Bases Conversion and Development Authority na pumirma ng kasunduan sa mga umuupa sa Camp John Hay Development Corporation sa panibagong tuntunin sa pagpapaupa sa Forest Estates, Country Homes, Golf Estates at Camp John Hay dito sa lungsod ng Baguio.

    Sinabi ng Pangulo at Chief Executive officer ng Bases Conversion and Development Authority na si ginoong Joshua M. Bingcang na ang BCDA ay naghahanda na ng term sheets para sa ibang umuupa ng tirahan na umuupa roon, na inaasahan na matatapos ito at mapipirmahan na sa mga darating na mga araw. 

    Tiniyak ng Pangulo at CEO ng BCDA sa mga stakeholders narito ang naturang ahensiya ng pamahalaan upang tumulong pagbabago ng pamamahala ng Camp John Hay. Kasabay nito, sinabi din ng naturang opisyal na kailangan ng kumilos ang BCDA upang ang Camp John Hay ay maging kapakipakinabang sa lahat.  

    Sa tulong ng kanilang pribadong katuwang at the pamahalaang lungsod, ninais nilang mapaganda pa ang pasilidad at serbisyo, pangalagahan ang natural na kalikasan ng naturang lugar ,magbigay trabaho at palakasan pa ang pamayanan ng lungsod ng Baguio. 

    Sa ngayong anya, plano ng BCDA na magsagawa ng pagsusuri ng Camp John Hay’s 25 year  comprehensive master plan nakahanay sa United  Nations sustainable development goals na nagnanais na matamo ang katagumpayan ng Bonifacio Global City sa Taguig at sa New Clark City sa Tarlac sa pamamagitan ng  pagsasagawa ng proyektong panginprastruktura at magdala ng mataas na epektong pamumuhunan na magbibigay ng pagkakataong sosyo –ekonomiko para sa mga taga Baguio at magbibigay ng pagkakataon sa BCDA na magdala ng pera sa kaban ng bayan. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/source: PIO-CAR)

    Leave a Reply