Kabayan, Benguet – Isang proyekto ang kasunod ng paglabas ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project (DA-PRDP) National Project Coordination Office (NPCO) ng sulat nito na wala nitong hadlang para sa nasabing proyekto.
Ang nasabing sulat ang siyang hudyat ng pagkagawad ng 106.60 million piso para sa pagsasaayos ng Balang-Bocao Farm to Market road na may tulay mula sa Munisipyo ng Kabayan.
Ang nanalong bidder ay ang Balintugan Construction. Ang naturang proyekto ay may haba na 2.345 kilometers habang ang tulay ay may kahabang 72 linear meters.
Inaasahan na ang mga naninirahan sa Barangay Eddet lalo na ang mga magsasaka na nagtatanim ng mga gulay doon ang siyang makikinabang sa naturang proyekto. (Joel Cervantes, photo courtesy of LGU Kabayan)