Iriga: SSS RACE campaign sa Tabaco City

0
4

Binisita ng Social Security System (SSS) Bicol Team ang pitong establisyemento noong Martes, Agosto 15, sa lungsod ng Tabaco sa Albay para sa ika-siyam na Relief Accorded to Challenged Employees (RACE) campaign sa rehiyon.

“This is not a shame campaign. We are doing this to instill awareness in the employers of their responsibility to comply with the obligations to their employees,” pahayag ni SSS Tabaco branch head Susana Malubag.

Ayon kay Acting Accounts Manager Alwyn Mapa, nasa 189 na empleyado ang matutulungan ng mahigit P3 million expected collectibles.

“Wala kaming intention na ipahiya sila but i-invite sila to avail the SSS programs,” pahayag ni SSS South Luzon – Bicol chief Elenita Samblero.

Kanyang nilinaw na ang mga employers na kanilang nabibisita tuwing RACE campaigns ay nauna na nilang nakaugnayan at nabisita subalit patuloy pa ring non-compliant. Ang iba naman ay inireklamo ng kanilang mga empleyado.

Dagdag pa ni Samblero, nagpapatuloy ang SSS relief programs upang matulungan ang mga employers na mabayaran ang mga di nahulugang kontribusyon ng kanilang mga manggagawa.

Sakaling mangailangan ang mga empleyado ng SSS benefits subalit hindi naihulog ang kanilang kontribusyon, ang kanilang empleyado ay obligadong bayaran   ang kaukulang halaga ng benepisyo na kanilang matatanggap. Kabilang na dito ang death, sickness, disability o maternity benefits.

(Source: PIA-5 Albay)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here