Monday, May 6, 2024

Baguio: Igorot Stone Kingdom naipasara dahil kulang ang permit at safety issue

- Advertisement -

Baguio City – Ilan sa mga turista at manininda ng pagkain, nalungkot sa pagsasara ng Igorot Stone Kingdom. Nagpahayag ng pagkalungkot at pagkadismaya ang ilan sa mga turista na dumating sa Igorot Stone Kingdom.

Ang ilan ay kadarating pa lang at handa ng magbayad ng entrance fee nang sila ay sinalubong ng masamang balita.  Ang masamang balita – ipinasara ang nasabing pasyalan dahil sa isinilbing closure order ni Mayor Benjamin Magalong.

Ang Igorot stone Kingdom ang isa pa naman sa mga tourist spots na nais pasyalan ng mga turista basi sa listahan ng mga dumadalaw sa siudad. Ang iba sa Botanical Garden, Burnham Park at ang iba pang lugar pasyalan sa lungsod ng Baguio.

Sa kaugnay na balita, nanghihinayang din ang mga food vendors sa pagsasara ng Igorot Stone Kingdom.

Sabi ng isa sa mga vendor, Sila ay nabigyan ng tsansa na makabangon muli dahil sa masamang dulot ng pandemya.

Sa ngayon na nakasara na ito, hindi na nila alam kung saan nila kukunin ang pang araw na araw na gastusin. Isang katanungan na mararapat sagutin ng may ari at ng mga kinauukulan. (Joel Cervantes, photo courtesy of Baguio & house transient file)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img