32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Baguio: Gov. Bonifacio Lacwasan Jr. sa stado ng Sacasacan Sadanga na di parte ng Fault line

- Advertisement -

(Baguio City/Mt. Province) Pinawi ng pangamba ang mga opisyal ng Mountain Province matapos inihayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Philvocs na di parte ng fault line na lumubog na lugar sa Sacasacan, Sadanga, Mountain Province kamakailan lamang. Ayon kay Governor Bonifacio Lacwasan Jr. sa kanilang pagkaka alam ang underground erosion ay sanhi ng sinking. Sinabi ni Gov. Lacwasan na wala umanong nagaganap na small scale mining sa nasabing lugar.

Ganon pa man, naghahanap na Lokal na gobierno ng relocation site para sa naapektuhan na mga pamilya. Napag alaman na limang bahay ang na apektuhan at kinakailangan ng agarang paglilipat sa matatag na lugar. Maliban sa mga kabahayan na apektuhan, may mga ilan sa structura tulad ng Simbahan at Paaralan ang mga nadamay din ng pag usad ng lupa. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Photo credit to LGU Mt. Province

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -