Baguio City – Nanawagan ang Department of Interior and Local Government sa mga pamayanan ng minero sa buong lalawigan ng Benguet na magbenta ng kanilang gintong namina sa registerado ng Small-Scale Miners and accredited Traders sa ilalim ng BSP Gold Buying program. Sinabi ng naturang ahensiya na ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay nagtataguyod pormalisasyon sa sektor ng pagmimina.
Sa papapaliwanag ng nasabing ahensiya na ang pormalisasyon ay gumagamit ng diskarte sa pagitan ng ahensiya na pagtugon pagpapaunlad sa pagsunod sa batas at mga regulasyon kasama dito ang ligtas na kondisyon sa pagtatrabaho at pamamahala sa kapaligiran at pagkalinga.
Bilang karagdagan ang pormalisasyon ay nagbibigay katiyakan sa mas mahusay na regulasyon ng industriya ng pagmimina at sa gayon, ang isang pormal na sektor sa pagmimina ay mayroong mas mahusay na kalapitan sa serbisyong pinansial at teknikal pati na rin sa pagbubukod sa buwis, na ang ibig sabihin nito ay ang direktang pakinabang ng host na kommunidad o pamayanan. (RPN-Baguio/Jimmy Bernabe/Joel Cervantes/source: PIO-Baguio)
