Pagbati sa mga matatapang, magigiting at magagaling na pulis na kabilang sa mga nagsipagtapos sa Close Quarter Battle (CQB) Refresher Training!
Isinagawa ngayong araw ika-17 ng Pebrero, 2025 ang Closing Ceremony ng CQB Refresher Training ng mga kapulisan ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) na ginanap sa CNPPO Tanghalang Magiting, Dogongan, Daet, Camarines Norte.
Sa makahulugang gawaing ito ay nagpakita ng pakikiisa at suporta ang Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte sa pamamagitan ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na nagsilbing Panauhing Pandangal at Tagapagsalita, sa mensahe ng Gobernador ay binigyang-diin niya ang kahalagahan ng nasabing pagsasanay o refresher course sa pagpapanatili ng kaayusan, kapayapaan at seguridad lalo na rito sa probinsya ng Camarines Norte.
Pinangunahan rin ng Ama ng Lalawigan, Governor Dong Padilla kasama si PCOL LITO L. ANDAYA – CNPPO Provincial Director at iba pang mga opisyal ng CNPPO ang ang pamamahagi ng sertipiko ng pagtatapos.
Mahalagang bahagi at tampok din sa gawain ang Drills Demonstration and Simulation Exercises, na syang pangunahing resulta ng pagsasanay na pinagdaanan ng mga pulis.
(Source: CamNorte PIO)
