Baguio: Dalawang lalaki nasawi sa vehicular accident sa Marcos Highway Tuba, Benguet

0
184

Tuba, Benguet – Namatay ang dalawag lalaki nakasakay ng motor nakipagbangaan sa isang 12-wheeler truck sa Badiwan, Poblacion, Tuba, Benguet.

Kinilala ng Tuba Municipal Police station sila Minglana Cabanilla at Kyle Daryll Ducusin Padilla, parehong 21 uno anyos, walang asawa, estudyante at naninirahan sa SLU Old Site, Bakakeng at Sto. Tomas Proper, Balacbac, Lungsod ng Baguio.

Ayon sa ulat ng nasabing pulisya, ang mga nasabing tao ay nag-overtake sa sinusundan nilang sasakyan sa fly-over sa Marcos Highway naging sanhi ng pagkabangga nila sa truck na menamaneho ni Mark Christian Leal Navarro ng Tay-ac, Rosario, La Union.

Sinabi ng Tuba Municipal Police Station na inagaw nila ang linya ng truck sa palikong bahagi ng fly-over naging sanhi ng “head-on collision.” Ayon pa rin sa ulat ng Tuba Municipal Police station, si Cabanilla ay namatay sa oras ng 1:05 ng hapon samantalang si Padilla ay namatay ng 1:17 ng hapon.

Samantala, ang driver ng truck na si Navarro ay nasa pangangalaga ng Tuba Municipal Police Station. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Baguio City)

Leave a Reply