Baguio city naka-antabay ang pentavalent vaccines para sa mga bata

    0
    10
    photo courtesy of PIO Baguio

    Baguio City – Sinabi ni City Health Services Nurse Sonya Insas na ang pentavalent vaccines para sa mga bata ay mayroon na sa lahat ng health centers dito sa lungsod ng Baguio.

    Anya, ang pentavalent vaccines ay itinuturok para sa proteksyon ng mga bata. Kanya itong ipinahayag dahil sa naubos ang supply ng pentavalent vaccines noong nakaraang buwan. Ngunit ngayon ay dumating na ang maraming supply upang mapabakunaan ang mga bata laban sa mga sakit tulad ng Diphtheria, Pertussis, Tetanus, Hepatitis B at Haemophilus influenzae type b o ang (Hib) bacteria.

    Kasabay nito ay kanya ring pinayuhan ang mga magulang ng mga bata na magjacket at magdala ng payong upang hindi sila maginaw at manatiling tuyo sa panahon ng tag ulan at maging sa panahon ng tag lamig. Sa ganitong paraan ay makakaiwas sila sa sakit. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

    (Source: PIO Baguio)

    Leave a Reply