(Baguio City) May kabuang PhP1,234,000,000 ng halaga ng illegal na druga ang nasamsam at isang hinihinalang tulak ng druga nahuli ng may kapangyarihan sa probinsiya ng Kalinga at lungsod ng Baguio kamakalawa lamang. Sa Tinglayan, Kalinga, ang mga kapulisan kabilang ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region nakatuklas ng isang marijuana plantation sa Barangay Butbut Proper. Kanilang binunot at sinira ang 6,000 fully grown plants na nagkakahalaga ng PhP 1,200,000. Samantala, sa Barangay Leonila Hill, lungsod ng Baguio, isang buy-bust operation ang nagresulta sa pagkakaaaresto ng isang lalaki na nagkakaedad ng 27 taong gulang at hinihinalang tulak ng druga ang naaktuhang nagtitinda ng tinatayang 5.0 na gramo ng hininihalang shabu na nagkakahalaga ng PhP34,000 sa isang miyembro ng operatiba. Ang suspek ay nasamsam ang ebidensiya at nasa pangangalaga ng Baguio City Police Office Substation 6, Police Station 6. Hinahanda ang kaso sa suspek sa paglabag ng Republic Act No. 9165, o mas kilala sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PRO-CAR)
– 30 –
