(Baguio City)Hinilang kamakailang lamang ng mga lokal na opisyal ng lungsod sa pamamagitan ng lokal na Konseho sa Baguio City Police Office (BCPO) na paigtingin pa ang pagpapatupad ng oras ng curfew at pabilisin pa ang pagtugon sa insidenteng kinapapaulooban ng mga estudiyante at ng street gangs sa lungsod sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng barangay officials at mga tagapamahala ng paaralan mapapampubliko man o pribado. Ito ay nakasaad sa City Council Resolution No. 713, series of 2024 na ang bawat mamamayan ay katungkulan sa pananatili ng kapayapaan at kaayusan. Kung inyong matatandaan noong Oktubre a 21 noong nakaraang taon , Scout officials For A Day (SOFAD) ay nagkaroon ng session sa SOFAD Council ay nagpatibay ng panukula ni SOFAD Councilor Jayrod C. Biniasan na humihiling sa Baguio City Police Office sa pakikipag ugnayan sa mga opisyal ng barangay at maging sa pamunuan ng mga paaralan na paigtingin pa ang pagpapatrolya sa mga kalsada particular na sa tinatawag na university belt area sa oras ng curfew at tugunan ang mga insidente ng labanan sa pagitan ng mga estudyante at street gangs.(RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)
– 30 –