(Baguio City) Isang spesialista sa sakit na cancer ang nagpaalala sa publiko na ang pag iwas, proteksyon at ang maagang pagtuklas ay nananatiling pinakamahusay na paraan upang makaiwas sa kanser. During the Free Cancer Screening Program held at Malcolm Square on Feb. 24, 2025. Ito ang sinabi ni Cancer Specialist and Medical Oncologist Dr. Sachiko Estreller sa ginanap na Free cancer Screening Program na ginanap sa Malcolm Square kamakailan lamang. Binigyang diin ni Doctora Estreller ang kahalagahan ng madaliang pagmamasid sa pag iwas sa Cancer at ang hakbang sa proteksyon na tutulong upang maiwasan ang pagkakaroon nito. Kanyang sinabi na ang maagang pagtuklas nito ay ang susi sa pamamahala at paggamot ng nakakatakot na sakit. Anya ang cancer ay nanatiling ikalawa sa sanhi ng pagkamatay sa lungsod ng Baguio. Kanyang inihayag ang nangungunang limang pinakaraniwang cancer sa bansa. Ang una ay ang breast cancer na umaapekto sa mga kababaihan. Isa sa mga pinakamagang senyales nito ay ang tinatawag na bukol sa dibdib. One of its earliest signs is a lump in the breasts. Pinayuhan ni Dr. Estreller ang mga kababaihan na sumailalim ng mammogram screening pagsumapit sa edad na 40 para sa maagang pagtuklas ng potensial na palatandaan ng canser. Sumunod ang Lung cancer sa ikalawang pinakakaraniwan sanhi ng kamatayan na kasamang tuloy tuloy na pag ubo at plema na may kasamang dugo. Ang Colon cancer ang ikatlo na may sentomas na may kasamang kapansinpansin na pagbabago sa pagdumi. Pinayuhan ni Dr. Estreller ang mga taong may edad 45 at pataas na may nararanasan ng problema sa pagtunay na sumailalim sa colonoscopy. Ang Liver cancer ay dalahasan sanhi ng sakit sa tiyan at paninilaw ng balat na humahantong sa pagkadilaw ng balat. Ang pagsusuri ng sakit na ito ay kailangan ng ultrasound at ang pagsusuri ng dugo lalong lalo na sa mga taong nasuri na may cirrhosis. Ang Prostate cancer, ang ikalima na apektado ang mga kalalakihan. May pagkahirap sa pag ihi ang isa sa mga sintomas, ipinaliwanag ni Doctora Estreller na hindi ito nagpapahiwatig lagi ng cancer. Anya ang mga kakalalakihan ay hinihikayat na sumailalim ng Digital Rectal Exam (DRE) o ng Prostate-Specific Antigen (PSA) blood test para sa wastong pagtatasa. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe/Source: PIO Baguio)