Baguio: Bilang ng beterano sa Cordillera nasa 30 na katao na lang

0
7

Baguio City – Nasa mahigit kumulang na lamang sa 30 na beterano ng ikalawang pandaigdig na digmaan ang kasalukuyang natitira o nabubuhay sa buong Cordillera Region. Ito ay ayon sa datos ng Regional Field Office ti Philippine Veterans Affairs Office o ng PVAO.

Ayon kay binibining Cherrylyn Sabling ng nasabing opisina, dalawa sa beterano ay taga Mountain Province, sampu ang mula sa Abra, walo ang taga Baguio at ang iba pa ay mula pa sa probinsiya ng Benguet at ng Ifugao.

Ang mga natitira pag beterano, karamihan sa kanila ay nasa katandaan na kabilang si Sixta Favila na may edad na 106 habang ang pinakabata ay si Eduardo Peralta na may edad na 92. Ang mga ito ay parehong naninirahan dito sa lungsod ng Baguio.

Sa panayam, ipinaliwanag niya na sa pagkatanda ng mga beterano ng huling giyera ay nananatili ang mga ito na malusog at tumatanggap pa ng pension na nagkakahalaga ng ₱20,000.00 kada buwan. Nakakatanggap din ng mga ito ng ₱1,750.00 pesos na disability allowance.

Samantala, Hiniling ni City Mayor Benjamin Magalong ang kahalagahan ng kasirinlan ng bansa sa pamamagitan ng pagsisilbi sa kapwa Pilipino. Anya, ito ay ang pagbibigay halaga at sa kabayaran ng mga sakripisyo ng mga beterano ng ikawalang pandaigdig na digmaan sa pakikipaglaban nila sa mga mananakop na hapon at magbigyang kalayaan ang bansa. Sinabi ito ni Mayor Magalong sa isang talumpati sa paggunita ng Araw ng Kagitingan” dito sa lungsod ng Baguio noong nakaraang araw.

Maliban kay Mayor Magalong, dumalo rin ang opisyal ng lungsod na kinabibilangan nila bise mayor Faustino Olowan, Police Regional Office – Cordillera Regional Director Brigadier General David Peredo, Jr. at ng iba pa. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO-Baguio)

Leave a Reply