31.4 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Baguio: Benguet Provincial Health Office, nagpaalala sa publiko tungkol sa pananatili ng proper hygiene kontra sa Hand-Foot and Mouth Disease

- Advertisement -

La Trinidad, Benguet – Nagpaalala ang Benguet Provincial Health Office o ng PHO sa publiko na lagi sundin ang proper hygiene matapos pangkakalista naman ng kaso ng hand, foot and mouth disease (HFMD) dito sa probinsia ng Benguet.

Inamin ni Provincial Health Officer I Dr. Meliarazon Dulay na may mga paaralan sa Benguet ang nagkansela ng klase dahil sa pagkakalista ng kaso ng Hand-Food ang Mouth Disease o ng FMD kung saan isa dito ang Tuba Central Elem. School na may cluster of cases nakailista ng 38 kaso.

Sinabi ni Dr. Dulay sa kasalukuyan isinasagawa ang pag iimbestiga at patuloy ang pagkuha ng specimen habang iniisolate ang mga apektado na mga bata upang maiwasan ang pagkahawa ng mga ito.

Ipinaliwanag ng naturang health officer na ang nasabing sakit ay mild, contagious viral infection na karaniwan sa mga bata dahil sa ang mga sintomas ang pagkakaroon ng lagnat o fever, sores sa bibig at rashes sa mga kamay at paa.

Samantala, sinabi ni Dr. Andrew Chamson Bacuso, ang Medical Specialist I ng Benguet Provincial Health Office, kailangan isagawa ang regular disinfection ng mga common areas o ang mga bagay na laging hinahawakan sa loob ng paaralan tulad ng door knobs, laruan at iba pa upang maiwasan ang pagkakaroon ng nasabing sakit.

Kanyang idinagdag na dapat sumangguni agad sa Doctor kung makitaan ng sintomas at maiwasan ang paghantong ng complications. (Joel Cervantes, photo courtesy of DOH-CAR)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -