Friday, May 17, 2024

Baguio: Ang utility ng mga kumpanyang pangtelekomunikasyon sinabihan na maglagay ng kable sa ilalim ng lupa

- Advertisement -

Ang mga lokal na opisyal ng Baguio City ay humiling sa City Engineering Office (CEO), sa Benguet Electric Cooperative (BENECO), Inc. at sa lahat ng mga kumpanyang pangtelekomunikasyon na nagpapatakbo sa lungsod na isa alang-alang ang paglalagay ng mga kable sa ilalim ng lupa.

Ayon sa mga opisyal, ang naturang panukala ay bilang pagsuporta sa pagtataguyod ng turismo at upang matamo ang pagiging Smart City ng lokal na gobyerno na ang paglalagay ng underground cabling system ay magbibigay sa mga residente ng lungsod at maging sa mga turista na magkatulad na nakakahinga at mapahalagahan ang kapaligiran kasama dito ang mga istrukturang arkitektura na matagal ng naitatago at nahahadlangan ng mga nakabitin ng mga kawad.

Inutusan ng mga opisyal ang mga naturang opisina ng lokal na gobyerno na magsagawa ng masusing pag-aaral sa paglalagay ng kable sa ilalim ng lupa maging ng kuryente upang makapagbahagi sa pag unlad at kaligtasan.

(Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of Public Information Office – Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -