Baguio: Ang pangangailangan ng mga doctor sa mga BarrIo ipinagdiinan

0
1

Abra Province – Ibinahagi ng isa sa mga “Doctor to the Barrio” sa Sallapadan, Abra ang pangangailangan ng mga doctor sa pangangalaga ng mga mamamayan doon lalo na sa mga barrio lalo na nagkukulang o walang health centers sa nasabing mga lugar.

Ayon kay Dr. Karina Viola Bulong ng Sallapadan, Abra. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi napapangalahagaan ang mga mamamayan doon sa mga barrio kahit na may mga sakit ang mga ito ay dahil sa kawalan ng doctor na malalapitan sa kanilang lugar. Kung magpapagamot ang mga ito ay dahil sa malala na ang kanilang dinaramdam na sakit.

Maliban sa magagamot ang mga sakit, dapat din anyang may mga doctor sa mga barrio na mangangalaga ng mga buntis at ng mga bata para sa kalusugan at nutrition ng mga ito upang maganda ang kanilang paglaki.

Sinabi niya na maliit lamang ang suweldo ng isang doctor sa barrio ngunit masaya naman sila lalo na kung nakakasagip sila ng buhay.

Hinihiling niya sa mga bagong doctor na bago sila magsilbi sa ibang bansa dahil sa malaking suweldo, magsilbi muna sila sa mga barrio o sa mga maralita na kababayan nila na nangangailan ng doctor. (Joel Cervantes, photo courtesy of PDOHO Abra)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here