Baguio: Ang NEA at BENECO Board sinabihan na magtakda ng botohan sa distrito

0
23

Baguio City – Hinikayat ng lokal na opisyal ang National Electrification Administration (NEA) at ang interim Board of Directors ng Benguet Electric Cooperative (BENECO) na magsagawa sa lalong madaling panahon ng eleksyon ng regular na mga miyembro ng BENECO’s Board of Directors.

Sinabi ng lokal na opisyal na ang kawalan ng regular na miyembro ng Beneco Board ay naresulta sa sunod sunod na hindi magandang pangyayari na nangyari sa mga nakaraang mga taon.

Ang NEA Board of Administrators ay bumuo at naglukluk ng isang multi-sectoral task force upang maging interim members ng board epektibo ng Enero a 10, 2023 hanggang ang regular miyembro ay mapili ng member-consumer-owners na binubuo ng regular na miyembro ng board.

Ang naturang task force ay binubuo ng isang chairperson na kakatawan sa sektor ng pagnenegosyo, kabiling din ang mga kinatawan mula consumer/professional, religious, academe/education, at agricultural sectors, ang bawat isa ay magsisilbi bilang miyembro ng board na gagalaw bilang pansamantalang policy making body ng electric cooperative. (Joel Cervantes | Jimmy Bernabe, photo courtesy of PIO Baguio City)

 

Leave a Reply