Monday, May 6, 2024

Baguio: Ang City Veterinary and Agriculture Office hinikayat ang mga magsasaka na yakapin na lamang ang good agri practices para matamo ang food safety

- Advertisement -

Baguio City – Hinikayat ng City Veterinary and Agriculture Office (CVAO) Urban Agriculture Division ang mga lokal na magsasaka na gamitin na lamang ang good agricultural practice (GAP) upang matiyak sa ligtas ang kanilang inaaning gulay o pananim.

Ito ang sinabi ni CVAO Supervising Agriculturist Marcelina Tabelin. Ayon kay Tabelin ang CVAO UAD ay nagsasagawa ng inspeksyon ng mga sakahan at puwesto sa Baguio City Public Market upang tignan ang kanilang pagtalima sa GAP at food safety standards.

Kanilang sinusuri ang mga sakahan sa bawat every quarter upang tignan kung ang mga magsasaka ay gumagamit ng GAP lalo na tamang paggamit ng synthetic pesticides.

Hinikayat din niya ang mga taga baguio na aralin ang backyard farming at paglilinis ng gulay at prutas bago ito kainin.

Sa mga magsasaka naman, kanyang inimungkahi ang crop rotation upang matiyak na walang pestisidyo ang aatake at ang inaaning pananim ay mapapakinabangan. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PIO-Baguio)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img