Baguio: Accomplishment Report of PRO-COR from March 24-30, 2024

0
7
photo courtesy of PRO-COR

Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet – Ang magkatuwang na gawain ng kapulisan sa rehion Cordillera ang nagbunsod sa pagkakasamsam ng Php15,057,640.00 ng halaga ng illegal drugs at ang pagka aresto ng sampung katao sa magkahiwalay na operasyon na ginawa sa pagitan ng Marso 24 hanggang a 30, ng taong ito.

Ayon sa ulat ng Regional Operations Division ng Police Regional Office –Cordillera. Natagpuan sa mga nahuling suspek ang hinihinalang Shabu na may bigat na 12.30 na gramo at nagkakahalaga ito ng Php 83,640.00.

Ayon pa rin sa nasabing ulat, ang pang kakaaresto sa mga suspek ay isinagawa ng mga tauhan ng Benguet Police Provincial Office (PPO) na nagresulta sa pagkahuli ng anim na katao habang ang Baguio City Police Office at Ifugao Police Provincial Office ay nakahuli ng tigdadalawang katao.

Sa mga nahuling suspeks, pito dito ang kinilalang bilang Streel Level Individuals at tatlo dito ang mga tinatawag na High Value Individuals. Ang lahat ng nahuli ay humaharap na sa paglabag sa R.A. 9165 o ang tinatawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sa magkahiwalay na operasyon sa pagpuksa laban sa Marijuana, ang mga operatiba ay nakadiskubre ng 32,170 piraso ng mga ganap na laki na tanim na Marijuana, 500 piraso ng buto ng marijuana, 70,000 piraso ng mga tangkay ng marijuana at 1,000 gramo ng pinatuyong dahon ng Marijuana at ng fruiting tops nito na tinatayang nagkakahalaga ng Php14,974,000.00 na nagmula sa 11 taniman nito natagpuan sa probinsiya ng Benguet at Kalinga.

Ang lahat ng nadiskubreng tanim na Marijuana ay sinunog ng awtoridad matapos ang tamang pagkadokumento habang nagsasagawa naman ng follow up operations ang iba pang operatiba upang matuntun pa ang iba pang taniman ng Marijuana at mahuli ang mga nagtanim ng mga ito.

Bilang karagdagan, ang mga pulis ay patuloy nagsasagawa ng pagbisita sa mga barangay sa rehion at nagsasagawa ng kampanyang pang impormasyon patungkol sa panganib na dulot ng illegal na pananim na Marijuana at ang katulad na illegal na druga. (Jimmy Bernabe | Joel Cervantes)

(Source: PRO-COR-PNP)

Leave a Reply