Baguio 911 maari ng makakatanggap ng Globe, TM na mga tawag

0
15
(Credit to PIO Baguio)

Baguio City – Direktang makakatanggap ang Baguio 911 ng mga tawag sa pamamagitan ng Globe Telecom and Touch Mobile sim at ng maging ng landlines nito sa primary helpline ng lungsod. Ito ang inihayag ni Globe Account Manager Jefferson Corpuz na ang pagsama ng Globe at ng local 911 ay kauna-unahan sa bansa.

Anya ang sistema ay kauna unahan sa Pilipinas at sa lungsod ng Baguio na magsisilbing bilang isang modelo na maaring gayahin ng ibang lugar.

Samantala, nagpahayag ng Mayor Benjamin Magalong ng pagpapahalaga sa Globe sa gawa ng naturang mithiin na isang katotohanan. a pinagisang tawag na direktang maipapadala o matatanggap ng Baguio 911 kaysa sa una na dadaan pa sa 911 central bago ipadala sa Baguio 911. Anya ang naturang sistema ay nagpapaiksi ng oras ng pagproceso at mapapabibilis pa ang pagtugon sa mga tawag na humihingi ng tulong.

Ang Baguio 911 helpline ay pinangangasiwaan ng Baguio Smart City Command Center (SC3) at sa kasalukuyan ito ay lumalabas na mahalagang pagkukunan para sa oras ng kagipitan at tulong pangkahalatan sa lungsod ng Baguio. (RPN-Baguio/Joel Cervantes/Jimmy Bernabe)

(Source: PIO Baguio)

Leave a Reply