Saturday, May 4, 2024

Bagong tren ng PNR aabot na hanggang Laguna

- Advertisement -

Abot na hanggang Los Baños, Laguna ang operasyon ng Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay PNR spokesman Joseline Geronimo, gamit nila sa biyaheng Los Baños ang premium train na na donasyon ng Japan.

Ipinaliwanag ni Geronimo na hindi sila nagsagawa ng announcement sa aktual na operasyon ng premium train dahil hanggang 83 lamang ang maaaring isakay dito.

Umaalis ng Los Baños ang premium PNR train pasado 5 a.m. at darating ng pasado 8 a.m. ng umaga sa Tutuban station.

4:46 p.m. naman ang alis nito sa Tutuban at darating ng Los Baños ng 7:37 p.m.

Ang pagbubukas ng Los Baños station ay paunang hakbang ng PNR para sa unti-unting pagbabalik ng kanilang biyahe hanggang Bicol.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img