35.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

Doktor sa viral video na nang-aalipusta ng isang driver ipatatawag ng LTO

- Advertisement -

Ipatatawag ng Land Transportation Office (LTO) ang doktor na nag viral ang video habang minumura ang driver ng isang L300 van.

Mismong ang Department of Transportation (DOTr) ang kumilala sa doctor na si Dr. Tomas Mendez.

Hinikayat rin ng DOTr ang Professional Regulation Commission (PRC) at ang Philippine Medical Association na aksyunan ang pagkakasangkot ng doktor sa road rage.

Matapos lumabas ang video na minumura at inaalipusta ni Dr. Mendez ang driver ng L300 van, isa pang video ang lumabas na bagamat walang sound ay malinaw na sinisigawan ni Mendez ang isa pang driver.

Samantala, itinanggi ng St. Lukes Hospital na isa sa kanilang mga doktor si Mendez.

Base anya sa hospital records, naging ENT resident trainee sa St. Lukes si Mendez subalit hindi kailanman naging opisyal na bahagi ng ospital.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -