Saturday, May 18, 2024

Bagong SRP sa ilang agri, fishery products ipinatupad ng DA

- Advertisement -

Nagpatupad na ang Department of Agriculture (DA) ng price freeze sa ilang agricultural at fishery products ngayong nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang karatig na lugar.

Batay sa administrative circular number 10 na pinirmahan ni Agriculture Secretary William Dar, bahagyang tumaas ang ilang basic agricultural at fishery commodities sa bagong suggested retail price (SRP).

Dahil dito, tumaas na ng P7 ang kada kilo ng bangus mula sa dating SRP na 162 hanggang P169.

Nananatili naman sa P120 ang kada kilo ng tilapia medium.

Habang P10 naman ang itinaas ng kada kilo ng galunggong lokal mula sa P130 hanggang P140, ang galunggong imported naman ay P180 per kilo.

Tumaas din ng P25 ang pork liempo mula sa P225 hanggang P250, habang ang whole chicken ay nasa P130 parin.

Ang itlog ay mananatili sa P6.50, brown sugar P45, refined sugar P50, cooking oil P50 kada litro, sibuyas ay maglalaro sa P95 hanggang P100 kada litro, well milled P40 at ang imported rice special ay P52 kada kilo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -