Saturday, May 4, 2024

COVID-19 cases sa bansa nasa 139,538 na

- Advertisement -

Lumobo na sa mahigit 139,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH), umabot na sa 139,538 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na makapagtala ng panibagong 2,987 na positibong kaso kahapon, August 11.

Ayon sa DOH, ang naturang datos ay nakuha mula sa 74 na lisensyadong laboratoryo sa bansa.

Samantala, umakyat naman sa 68,432 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa sakit matapos na makapagtalaga ng panibagong 280 na paggaling.

Sumampa naman sa 2,312 ang death toll matapos na may panibagong labing siyam na napaulat na nasawi.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img