E-government act pasado na sa ikatlo, huling pagbasa sa Kamara

0
12

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang e-government act na naglalayong gawing electronic based ang lahat ng serbisyo at transaksyon ng mga ahensya ng gobyerno.

Layon rin ng panukala na makasunod ang gobyerno sa ipinatutupad na “new normal” gayundin ang mapagpabuti ang ease of doing business ng bansa.

Dahil dito, inaatasan na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magtatag ng isang e-governmental master plan na isasailalim naman sa review kada tatlong taon.

Bahagi ng master plan ang mga pamamaraan para ma-digitize ang paper based documents at gobernment online payment system.

Samantala, matatandaan noong sona ni Pangulong Duterte ay hinimok nito ang kongreso na ihinto ang paper-based official transactions at pagpila ng mahaba sa mga tanggapan ng pamahalaan.