Saturday, May 18, 2024

Bagong ‘sin tax bill’ ilalaban ng Kongreso

- Advertisement -

Ilalaban ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kanilang bersyon ng bagong ‘sin tax bill’ sa mga nakalalasing na inumin at electronic cigarettes.

Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, aabot ng hanggang P26B ang posibleng kitain ng pamahalaan mula sa bersyon ng Kamara.

Habang nasa P16B lamang ang posibleng kitain ng pamahalaan sa bersyon ng Senado matapos na isingit ang probisyon na nag-aalis ng value-added tax sa mga prescription drugs.

Aniya, ang perang malilikom rito ay gagamitin ng Universal Health Care (UHC) law.

Una rito, sinabi ng Dept. of Finance na aabot sa 257 billions pesos ang kakailanganing pondo para sa unang taon ng implementasyon nito sa 2020.

Samantala, tiniyak naman ni Salceda na pinag aaralan na nila ang pagtanggal sa prescription exemption at i-convert ang vat sa isang specific tax sa isasagawang bicameral conference hearing ngayong araw, December 17.

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -