Pagsuspinde sa IRM ng PhilHealth hindi makakaapekto sa mga miyembro nito

0
17

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang PhilHealth hinggil sa pagsususpindi nito sa Interim Reimbursement Mechanism.

Paliwanag ng PhilHealth, hindi naman nakakaapekto sa mga benepisyong matatanggap ng kanilang mga miyembro ang pagsususpindi sa IRM dahil pagbibigay daan lang umano ito sa gumugulong na imbetsigasyon at pagdinig sa Senado at Kamara.

Tiniyak naman ng PhilHealth, na mabibigyan ng benefits packages ang kanilang mga miyembro na mangangailangan ng pang-ospital, COVID-19 testing, at community isolation.

Kasabay nito, mariin namang pinabulaanan ng PhilHealth ang mga ulat na mayroon umanong favoritism na nagaganap sa disbursement ng IRM funds.