Isang bagong quarantine facility ang nakatakdang itayo sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan itatayo sa Tala Elementary School sa North Caloocan ang 192 bed facility na kumpleto ng libreng wifi connection at magbibigay ng vitamins at pagkain sa mga pasyente.
Sinabi ni Malapitan na patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kaya’t pinaigting pa nila ang testing at contact tracing efforts.
Pumapalo na sa mahigit 5,000 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan naitala ang 4,000 recoveries at halos 200 ang nasawi.