Wednesday, May 1, 2024

Clinical trial para sa lagundi kontra COVID-19 isasagawa na

- Advertisement -

Kinumpirma ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña ang pagsasagawa ngayong linggong ito ng clinical trial sa lagundi para malabanan ang COVID-19.

Sinabi sa DWIZ ni Dela Peña na gagawin ang clinical trial sa Quezon Institute at PNP NCR quarantine centers sa Quezon City gayundin sa Sta. Ana Hospital sa Maynila kung saan inaasahang makakakuha kaagad ng volunteers para sa Lagundi test na aprubadong gamot sa ubo.

Doon sa tatlong quarantine centers na ‘yon ay siguro namang mabilis na makakakuha ng volunteers so, sabi ko nga ang hangad namin ay maipakita ang kabutihan, maa-address ang kanilang mga ailments na nabanggit kasi nga ‘yan talaga ay approve na gamot sa ubo,” ani Dela Peña.

Ayon kay Dela Peña mahalagang malaman sa clinical trial kung makakatulong ba ng malaki ang lagundi para hindi na lumala pa ang kondisyon ng isang COVID-19 patient.

Sakaling mapatunayang nakakatulong ang lagundi kontra COVID-19 sa clinical trial ipinabatid ni Dela Peña na mag-aapply naman sila ng approval sa FDA para gamitin itong gamot laban sa nasabing virus.

Titingnan din na yung pag-take ng lagundi ay makabawas ng probability, ng posibilidad na sila ay mag-proceed sa pagiging moderate or severe case, kung mild ka magandang hindi pumunta sa moderate and severe kaya ‘yun ang titingnan natin kung mangyayari at inaasahan natin dahil mangyayari yun dahil gusto nating maggamit yung mga local nating gamot o therapeutics,” ani Dela Peña. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img